Buwan ng Wikang Pambansa 2017

MEMORANDUM PANGKAGAWARAN Blg. 58, S. 2017: BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2017
- Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay mangunguna sa pagdiriwang ng taunang Buwan ng Wikang Pambansa 2017 tuwing ika-1 hanggang ika-31 ng Agosto alinsunod sa itinakdang Pampanguluhang Proklamasyon Bilang 1041, s. 1997. Ang tema ng pagdiriwang sa taong ito ay Filipino: Wikang Mapagbago.
- Ang layunin ng pagdiriwang ay ang mga sumusunod:
- ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997;
- mahikayat ang iba’t ibang ahensiyang pampamahalaan at pampribado na makiisa sa mga programang tulad nito na nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko; at
- maganyak ang mga mamamayang Filipino na pahalagahan ang wikang pambansa sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawain kaugnay ng Buwan ng Wikang Pambansa.
- Ang lingguhang paksa sa loob ng isang buwang pagdiriwang ay ang mga sumusunod:
- Wikang Filipino, Susi sa Pagbabago;
- Pangangalaga sa Wikang Katutubo, Pagpapayaman sa Wikang Filipino,
- Wikang Filipino: Wika ng Maka-Filipinong Saliksik, at
- Pagsasalin, Mahalaga sa Bago at Mapagbagong Karunungan.
- Ang mga nabanggit na lingguhang paksa ang papatnubay at magsisilbing batayan ng lahat ng gawaing bubuuin at isasagawa sa isang buwang pagdiriwang. Hindi ito nakaayos ayon sa pagkakasunod-sunod upang magkaroon ng kalayaan ang lahat sa pagpaplano ng programa