Guro, mag-aaral nakiisa sa ‘Share my Baon’: Mahigit 150 Neptalians tumanggap ng libreng meryenda sa unang araw ng F2F classes

Ni: Bb. Charmaine P. Tesorero, School Paper Adviser – MPNAG

LIBRENG meryenda ang sumalubong sa may 150 mag-aaral ng Mataas na Paaralang Neptali A. Gonzales (MPNAG) sa unang araw ng kanilang pagdalo sa limited face-to-face classes noong Abril 25.

Sa pamamagitan ng proyektong “Share my Baon”, tumanggap ang mga mag-aaral ng Grade 10 at 12 ng juice, biscuit, tinapay at sopas na inihanda ng ilang guro at mag-aaral.

Inihandog ng MPNAG ang Mini Pantry nito upang masiguro na may pagkain ang mga mag-aaral na kalahok sa limited F2F classes habang hindi pa nagbubukas ang school canteen.

Pinangunahan ni G. Michael Sergio ang pamamahagi ng libreng meryenda sa mga mag-aaral ng Grade 10 at 12 na kalahok sa limited face-to-face classes ng Mataas na Paaralang Neptali A. Gonzales (MPNAG).

Ayon kay G. Michael Sergio, master teacher at isa sa mga namamahala ng programa, tatagal ang mini pantry hanggang sa huling quarter ng taong panuruan.

“Nagpapasalamat ako sa mga kasamahan naming guro na nakibahagi sa programa gayundin sa ilang mag-aaral na nagpahayag ng kanilang suporta,” sabi ni G. Sergio. “Gusto nating lumawak ang programa para mabigyan lahat ng mga mag-aaral lalo na kapag binuksan na ang limited face-to-face classes sa lahat ng antas.

Sa MPNAG, Walang Neptalian ang Magugutom. Siniguro ng piling mga guro at kinatawan ng Literary Club ng MPNAG na ipagpapatuloy nila ang pamamahagi ng libreng meryenda sa mga mag-aaral habang hindi pa bukas ang kantina ng paaralan.

Pinuri at pinasalamatan din ni G. Henry Sabidong, punongguro ng MPNAG ang mga guro at opisyales ng Literary Club ng paaralan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s