Gift Giving 2022: Mahigit 150 Neptalians, NTPs tumanggap ng pamasko
by: Junior S. Lim, Teacher III – Mataas na Paaralang Neptali A. Gonzales

MAHIGIT 150 mag-aaral at non-teaching personnel ng Mataas na Paaralang Neptali A. Gonzales (MPNAG) ang tumanggap ng pamaskong handog noong Disyembre 14, 2022.

Sa pamamagitan ng proyektong Gift Giving, pinagkalooban ang mga mag-aaral mula Grade 7 hanggang 12 gayundin ang mga non-teaching personnel ng paaralan ng spaghetti packages at vitamins.
Mula sa pinagsama-samang bayanihan ng mga guro, sponsor, at stakeholders ang ipinamahgi sa piling Neptalians at NTPs, sa inisyatibo ni G. Michael C. Sergio, Dalubguro, sa pakikipagtulungan ng MPNAG Faculty Club at ng Adopt-A-School Program ng paaralan sa patnubay ni Gng. Esperanza R. Starks.
Ayon kay G. Sergio, ang namamahala sa programa, nagsimula ang nasabing programa 12 na ang nakalilipas noong siya ay nabigyan ng pagkakataong maging tagapayo ng Interact Club ng MPNAG, isang organisasyon sa ilalim ng Rotary Club.
“Pangarap lamang namin noon na mamahagi ng mga pamaskong handog sa apat na seksyon sa bawat baitang hanggang sa dumami ang mga nagsponsor at nagdonate upang mas mapalawak pa ang naabot ng program,” sabi pa ni G. Sergio.
“Nagpapasalamat ako sa mga kasamahan naming guro na nakibahagi sa programa gayundin sa alumni, partners, magulang, at stakeholders na nagpahayag ng kanilang suporta,” sabi ni G. Sergio.