Computer-Based English Proficiency Test (EPT) isinagawa ng Deped Mandaluyong

Ni: Gng. Maria Teresita G. Aguilar, MT I – HHIS

UMABOT sa 170 teacher-applicants para sa Taong Paaralan 2022-2023 ang kumuha ng Computer-Based English Proficiency Test (EPT) na isinagawa ng Dibisyon ng Lungsod ng Mandaluyong sa pakikipag-ugnayan sa Bureau of Education Assessment (BEA) noong Abril 20-21.

Ayon kay Bb. Menchie DC. Kubayashi, human resource officer ng dibisyon, 170 sa 213 kwalipikadong aplikante ang sumailalim sa pagsusulit.

“Mas pinili ng 43 aplikante na gamitin ang kanilang EPT score noong 2020 o 2021,” pahayag ni Kubayashi, “Nakasaad sa guidelines na valid ng dalawang taon ang EPT scores ng isang aplikante.”

Nagsilbing testing centers ang Highway Hills Integrated School (HHIS), Mataas na Paaralang Neptali A. Gonzales (MPNAG) at Eulogio Rodriguez Integrated School (ERIS).

Sa pangunguna ni Dr. Aurelio G. Alfonso, pangalawang pansangay na superintendente, naatasan bilang room examiners ang ilang SDO officials na sina public schools district supervisors Dr. Elizabeth O. Gloriana, Dr. Marie R. Duran, G. Edgar S. Belmonte, Dr. Jet O. Gallecanao, Dr. Dawn S. Bonifacio at Dr. Jean B. Castrence kasama ang non-teaching personnel na sina Bb. Grace S. Gonzales at Bb. Aurea G. Nacionales.

One comment

  • Ivory May Corpuz

    Magandang araw po! Kailan po kaya ulit magkakaroon ng Computer Based-English Proficiency Test sa Lungsod ng Mandaluyong? Marmaing salamat po sa magiging tugon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s