TINGNAN: 7 Paaralan ng Lungsod ng M’luyong, magpapatupad ng full 5 days in-person classes simula Agosto 22

SIMULA sa Lunes, Agosto 22, muling bubuksan ng 24 publikong paaralan ng Lungsod ng Mandaluyong ang kanilang mga pinto sa mahigit 50,000 na mag-aaral mula kinder, grade 1 hanggang 6, grade 7 hanggang 10 at grade 11 hanggang 12.

Ipatutupad ng pitong paaralan (anim sa elementarya at isang integrated school) ang FULL 5 DAYS IN-PERSON CLASSES habang 17 paaralan naman (5 elementary schools, 8 integrated schools at 4 secondary schools) ang magsasagawa ng GRADUAL TRANSITION TO FULL 5 DAYS IN-PERSON CLASSES.

Leave a Reply