ALON NG PAG-ASA

SA GITNA ng mga hampas ng alon sa malawak na karagatan, nagsilbing bangka ang libreng tuition fee na handog ng Tanggapan ng Kinatawan ng Lungsod ng Mandaluyong, at doon, hindi na muling lumangoy mag-isa ang isang iskolar.

Ibinahagi ni G. John Paulo G. Delas Nieves, dating iskolar ni Congressman Gonzales, ang kaniyang naging karanasan sa halos tatlong daang Iskolar ng Bayan sa ginanap na Scholars’ Summit 2024, Kaban ng Hiyas.

Ayon kay Delas Nieves, hindi niya alam kung paano niya matatapos ang kaniyang pag-aaral kung hindi siya naging iskolar, kaya naman labis ang kaniyang pasasalamat sa nagsilbing bangka para makapagpatuloy siya sa agos ng buhay.

Pinatunayan niyang sa kabila ng malalakas na alon, may pag-asa, dahil sa mga taong nariyan para tulungan siyang paandarin ang bangkang kaniyang sinasagwan.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagiging mapagpasalamat ng mga iskolar sa mga naging bahagi ng kanilang kuwento at paglalayag para maabot ang tugatog ng tagumpay.

Artikulo at Larawan ni:
Arianne Jane Licuanan
CMSHS

Leave a Reply