Cong. Boyet sa scholars: “Managinip para sa kinabukasan”
HINDI dapat mawala sa inyo ang panaginip na magkaroon ng kinabukasan.
Ito ang naging paalaala ni Congressman Neptali M. Gonzales II sa mga Iskolar ng Bayan na dumalo sa kauna-unahang Scholars’ Summit 2024 sa Kaban ng Hiyas, Agosto 10.
Nilahad ni Gonzales ang kanyang mga naging karanasan noon nasa kolehiyo pa lamang siya at kanyang mga naging pagsubok.
Igniit pa niya, kung walang kang kapasidad, gamitin itong inspirasyon na patuloy na magsumikap sa pag-aaral, katulad na lamang ng ginawa ng kanyang ama na dating Senate President Neptali A. Gonzales Sr.
Artikulo at Larawan ni:
Khrylle ABCD Diaz
MHS