Congw. Gonzales panauhing tagapagsalita sa Scholars’ Summit

“KAYO ang magmamana ng mundo.”

Ito ang ipinaalala ni former Congresswoman Alexandria “Queenie” P. Gonzales sa halos tatlong daang Iskolar ng Bayan sa iba’t ibang unibersidad sa kauna-unahang Scholars’ Summit 2024 sa Kaban ng Hiyas, Agosto 10.

Sinabi ni Congw. Gonzales na kabataan pa rin ang pag-asa ng bayan kaya’t naniniwala pa rin silang mag-asawa na dapat inuuna ang kapakanan ng mga kabataan.

Dagdag pa ni Gonzales, bilang isang iskolar ng bayan nararapat na pangalagaan pa rin ang mental na kalusugan para mas maging buo sa hinaharap.

Sa huli, umaasa ang Congresswoman na magpatuloy ang bawat iskolar ng bayan na kahit anong mangyari nararapat na tapusin ang pa-aaral at maging ehemplo sa bawat kabataan.

Artikulo ni:
Maria Teresita Aguilar
MT II, MHS

Larawang kuha ni:
Frances Joves
MHS

Leave a Reply