Gamit pampaaralan, ipinamigay ng LGU – Mandaluyong

Ipinakikita nina Vice Mayor Carmelita A. Abalos at Congressman Neptali M. Gonzales II kay bagong talagang Education Secretary Sonny Angara ang kaloob na gamit pang-eskwela ng local government of Mandaluyong City sa mga #BatangMandalenyos.

Bahagi ng nasabing pagkakaloob ng kagamitan sa mahigit 50,000 mag-aaral sa paghahanda ng Schools Division of Mandaluyong City sa pagbubukas ng School Year 2024-2025.

Sa inisyatiba ni Mandaluyong City Mayor Benjamin S. Abalos, tatanggap ang bawat mag-aaral ng libreng school at PE uniforms, sapatos, go bag, school bags at supplies.

Kasama rin sa larawan ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at DepEd Officials sa pangunguna nina DepEd-NCR director Dr. Jocelyn DR. Andaya at Schools Division Superintendent Dr. Romela M. Cruz.

Leave a Reply