HIS, handa na sa pasukan
HANDA ang Hulo Integrated School (HIS) sa pagsalubong sa mahigit 2,600 mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 10 ngayong Lunes, Hulyo 29.
Ito ang siguro ni Dr. Efren S. Consemino, punongguro, sa mga magulang at mag-aaral sa kanyang mensahe sa Closing Program ng Brigada Eskwela 2024.
Ipinamalas naman ng mga guro ang mantrang #BastaHISiansAngatYan sa kasipagan, pagkakaisa at sakripisyo sa paglilingkod sa pamamagitan ng Brigada Eskwela.
Samantala, pinuri ni Consemino ang lahat ng guro sa kanilang patuloy na pagpapakita ng malasakit sa kahandaan ang paaralan.
Artikulo ni:
Ma. Elizabeth T. Mateo
Master Teacher I, HIS
Larawan ni:
Mhariechan P. Soriano
BE Coordinator