Private company tumulong sa paghahanda ng PPCES, libreng gupit sa estudyante handog ng barangay, LGU
NAGPAMALAS nang malasakit at bayanihan ang mga volunteer mula sa San Miguel Brewery Incorporated sa pangunguna ni Katsuhisa Nose, executive vice president, bilang bahagi ng Brigada Eskwela 2024 sa pamamagitan ng pagpipintura sa mga railings at mga upuang gagamitin ng mga Batang Pedro ngayong pasukan, Hulyo 26, 2024.
“Mukhang ginanahan sila sa pagpipintura kaya natapos nilang pinturahan ang mga chairs sa classroom ko”, kuwento ni Jennylou Catulong, guro sa Grade 2.
Bukod sa kanilang volunteer works, nagbigay din sila sa Pedro P. Cruz Elementary School (PPCES) ng tatlong in split type air-condition para sa conference room ng paaralan, 60 gallons cement paint, 10 gallons wood paint, 10 gallons cement paint (Chocolate brown) at ilan pang mga kagamitan sa pagpipintura.
“We are blessed sa napakalaking tulong na ito para sa paaralan. Maraming mga mag-aaral ang makikinabang,” pasasalamat ni Viva D. Carreon, punong guro ng PPCES.
Samantala, naghandog naman ng libreng gupit sa mga Batang Pedro ang Brgy. Barangka Drive Council sa pamumuno ni Kapitan Darwin A. Fernandez sa pakikipagtulungan ng Mandaluyong Manpower and Tech-Voc Center.
Artikulo at Larawan ni:
Melanie I. Parcon
PPPCES