Suliranin sa kalusugan, tutuldukan ng feeding program

UPANG masolusyunan ang problema sa malnutrisyon, gaganapin ang isang feeding program na handog ng Gawad Kalinga (GK) Foundation sa pakikipagtulungan ng Brgy. Barangka Drive Office para sa mga Batang Pedro.

Sa parents orientation, tinalakay ni GK Representative Reynald Dimaliwat na tatatagal ang nasabing programa ng 120 na araw na aabot halos ng anim na buwan.

Mahahandugan ang piling 300 mga Batang Pedro mula Kindergarten hanggang Grade 6 ng feeding program.

Tiniyak naman ni Dimaliwat sa mga magulang na tama, wasto, masustansiya, at malinis ang paghahanda ng pagkain bago ibigay sa mga mag-aaral.

Hinikayat rin ni Dimaliwat ang mga magulang na maaari nilang bisitahin ang pagluluto at paghahanda ng pagkain upang matiyak nila ang kalinisan nito.

Ayon sa napagkasunduan, araw-araw ang pagpapakain sa mga piling mag-aaral upang masiguro ang pagbabago sa kanilang kalusugan.

Melanie I. Parcon
Teacher III
PPCES

Leave a Reply