Graduation Introduction for Mayor Menchie Abalos

To be delivered by a student with Top Honors

Isang karangalan sa ISANG BATANG tulad ko
Ang maipakilala at makasama natin ngayong araw na ito
Ang TAONG nagbigay daan upang makatuntong AKO at TAYONG LAHAT sa entablado ng ating PAGTATAPOS.

Isang simpleng INA tulad ng ating mga NANAY, na walang bahid ang pagmamahal at pag-aaruga sa atin.
Nagsisilbing ILAW at TANGLAW sa bawat tahanan at sa buong LUNGSOD
Isang RESPONSABLE AT TAPAT na MAGULANG na naniniwala sa FOREVER na kakayahan ng bawat batang tulad ko.

Wala AKO at wala TAYONG lahat sa ARAW na ito, kung hindi naging POSIBLE ang maisakatuparan niya ang pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan ng mga MAG-AARAL na nangangarap at nagnanais ng isang maginhawa at maayos na buhay pagdating ng panahon. Maraming SALAMAT PO SA INYO.

Malapit siya sa ating PUSO dahil tulad ni INAY, sinigurado niyang kumpleto ang aking mga kagamitan sa paaralan, notebook, tumbler at bag sa pagbubukas ng klase noong Hunyo.

Disente at kaayaaya ang pinagkaloob niya sa aking mga uniporme, sapatos, medyas, P.E. uniform, bukod pa sa kanyang MISYON na masiguro na maayos, komportable, makabago at “world class” ang mga pasilidad ng paaralan na pinapasukan ko.
Mga mahuhusay na paaralan at kauna-unahang naging K-12 Compliant sa buong Pilipinas.

Nakatataba ng puso kasi pati “High Tech na ID, baon at allowance ng mga mag-aaral sa Senior High School ay mayroon din!
Nakababilib pero sadyang ganyan magmahal ang MAYOR Ko!

Pero teka, may pahabol pa, SIGURADO na rin ang aking pag-aaral sa KOLEHIYO dahil malapit na ring magbukas ang CITY COLLEGE ng Mandaluyong at ang mga oportunidad na aagapay para sa ating mga kabataan sa pamamagitan ng mga scholarship at educational assistance para sa Batang Mandaleño.

Nangangamba ako, baka kapusin na siya sa panggastos dahil marami tayong kabataan na nag-aaral sa lungsod.
Hindi biro ang bilang ng mga bata at kabataan na kanyang libreng pinag-aaral at sinusuportahan.

Napawi ang aking alinlangan dahil tumambad sa akin ang 4 na beses na magkakasunod na taon na pagkilala at parangal mula sa pinagsamang galing nila ni dating Mayor Benhur dahil sa kanilang mahusay, tapat at epektibong pamamahala ng ating lungsod sa pamamagitan ng SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE.

At dahil bida ako sa kanya, busog ang aking kaalaman at kalagayan bilang bata dahil napakaepektibo ng kanyang mga programa upang tayo ay maprotektahan at mapangalagaan sa larangan ng kalusugan at nutrisyon.
Kaya pala nakamit natin ang NUTRITION HONOR AWARD bilang pinakamataas na parangal sa larangang ito.

Masyado na yata akong spoiled sa TIGER CITY, dahil SIYA mismo ang aking KAKAMPI at matibay na sandigan upang maramdaman ko na ako ay LIGTAS, PROTEKTADO at MAHALAGA SA LIPUNAN bilang BATA.

Saksi tayong lahat, na ito ay sapat na basehan upang mas lalong tumaba ang aking PUSO sa PAPURI dahil ako ay NAKATIRA sa isang LUNGSOD na kung tawagin ay “THE MOST CHILD FRIENDLY CITY OF THE PHILIPPINES”.

Mga Kapwa ko Mag-aaral, mahal kong mga guro at magulang, sa lahat ng panauhin……
Ikinagagalak kong ipakilala sa inyo……… Ang aking INA, Ang Ating NANAY, Ang INA NG LUNGSOD NG MANDALUYONG

MAYOR MENCHIE ABALOS …………..

Advertisements

Leave a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s